Natapos na ang makasaysayang eleksyon. Marahil ngayon ay ipinagdidiwang na ng mga Pilipino ang pagwawagi ng kani-kanilang pambato. Kung tayo’y magbabalik-tanaw, masasabi nating hindi naging madali ang nagdaan na kompetisyon sa pagitan ng pinagsama-samang magagaling at kung tutuusin lahat naman “deserving” na kandidato.

Tutal tapos na din naman ang eleksyon, isipin natin ang sakripisyong ibinuhos ng mga kandidatong tumakbo sa pinakamataas na posisyon sa ating bansa.

February 9, 2016 nang magsimula ang kampanya sa lahat ng kumakandidato sa pagka-presidente, bise-presidente, senador at partido liban sa mga mahahalal na district representatives at local na opisyal. Kasabay nito nagsimula na din ang pangangampanya ng mga kandidato sa iba’t ibang lungsod at probinsya.

Higit pa diyan, narito ang listahan ng mga bagay na sabihin na nating isinakripisyo at pinagtuonan ng atensyon ng bawat kandidatong tumakbo sa pagka-presidente ngayong taon.

 

  • ORAS

time.jpegHindi naman kataka- taka na napasama ito sa aking listahan. Bakit? Isipin mo ang mga “campaign rallies” na isinasagawa nila sa loob ng isang linggo. Hindi ba’t nakakapatay ng katawan? Hindi literal kundi yung resistensiya mismo, ung pagod sa buong araw. Minsan umaga pa lang naghahanda na ang isang kandidato para sa mga mabulaklak niyang speech. Kung ito ba ay kapani-paniwala, nakaka-persuade ng mga botante o kung anu pa man. Halos wala na silang oras na naitatabi para sa pamilya nila.

 

  • ANG MGA PAMBABATIKOS

politics-word-cloud.jpg

Yung mga isyung bigla na lang sumulpot at ibinabato sa isang kandidato lalo na at alam nilang malaki ang chance nitong manalo. Yung mga hidden treasures, anak sa labas na yayamanin, nagnakaw daw ng milyon sa isang organisasyon at kahit yung abubot lang sa katawan mapapansin din. Kadalasan yung ibang botante tuloy nalilito at hindi na alam kung yung first choice ba nila na kandidato ay talagang deserving sa pwesto.

  • YUNG SAKIT NG KATAWAN

body-pain.jpg

Nabanggit ko na sa unang listahan na kaakibat ng pagkaubos ng oras ng isang kandidato ay ang pagbaba ng kanyang resistensya dahil sa kawalan ng pahinga. Tama. Ganun din kapag hinahandle nila ang stress. Kapag hindi na nakayanan, malamang sakit ang ending. May kandidato naman na may karamdaman na kaya naglalilo paminsan-minsan. Sa bagay mas mabuti na din yun kaysa naman mamahinga na siya ng wala sa       oras.

  • PRIVACY

privacy-art-sm.jpg

Isa sa para sa akin ay mabigat na isinakripisyo ng ating mga kandidato ay ang kanilang privacy. Lahat ng pinakatatago nilang mga bagay ay kailangan ilabas, ipakita para lang mapatunayan na wala silang bahid ng pagnanakaw sa bayan. Ang pagsisiwalat din sa lihim na gawi ng isang kandidato ay ibinibunyag lalo na kapag ito ay immoral sa paningin ng bayan. Pambabae, Pagpapapatay at Pagmumukhang tanga sa harap ng karamihan. Lahat yan kasama.

 

  • ANG KANILANG BUHAY

At ang panghuli ang kanilang buhay. Naalala niyo pa ba ang sinabi ng isang senadora at isa sa naging kandidata sa pagka-presidente sa isang interview noon? “I eat death threats for my breakfast.” Siya ay wala pa sa napakataas na posisyon noon pero ganun na lamang ang impact sa kaniya ng mga kapwa niya miyembro ng gobyerno.

quote-i-eat-death-threats-for-breakfast-miriam-defensor-santiago-65-96-38.jpg

Anu pa kaya yung balakin nila na maging susunod na Presidente di ba? Napakamapanganib. Noong nagdaan na eleksyon, kung di ako nagkakamali wala namang napabalita na isang kandidatong nakatanggap ng death threats. Mabuti na lamang kahit na kitang-kita naman sa mga kandidato ang pagkadesperado nila na manalo ay di nila nagawang ipapatay ang kalaban nila sa iisang posisyon.

 

Gaya nga nang sabi ko nung una pa lang, tapos na. Tapos na ang eleksyon. Maari na nating alisin sa sarili natin ang pakikisawsaw sa isyu ng mga nagdaang kandidato. Panahon naman ngayon para pagtuunan mo ng pansin ang sarili mong buhay, Kung paano ka uunlad sa pamamagitan ng mga plataporma ng ibinoto at nanalo mong kandidato na ngayon ay presidente na ng Pilipinas. Lagi nating tandaan na kahit gaano pa kaganda ang plataporma ng isang kandidato, hindi sila kundi ikaw mismo ang makakapagbabago sa buhay mo at sa kinabukasan ng magiging anak mo.

 

 

Advertisements