Marami sa atin ang mas pipiliin ang komedya sa halip na drama at nakakatakot na palabas. Masarap kasi sa pakiramdam ang tumawa. Nakakalimutan natin ang mga suliranin sa bahay at nabibigyan tayo ng magandang alaala upang matawa sa halip na sumimangot sa harap ng problema. Minsan, ginagamit din natin ang mga punch-line na napapanuod natin sa mga kwelang palabas na ito. Kahit malungkot na ang eksena, nakakatawa parin gaya ng tinututukang ‘Al-Dub’ na isang segment sa isang programa sa tanghali, Ang ‘Eat Bulaga’. Pero bakit nga ba patok na patok sa panlasa natin ang ‘Al-Dub: Kalye Serye’? Ano ba’ng meron sa palabas na ito at nakatan ggap ito ng milyon-milyong tweets at likes sa Twitter at Facebook?

99542

Sa maniwala kayo’t sa hindi, ang Eat Bulaga Al-Dub: Kalye Serye ay aksidenteng nabuo sa segment na sinundan nito: Ang ‘Juan for All – All for One: Bayanihan’ na pinangungunahan nila Eat Bulaga Hosts Wally Bayola, Jose Manalo, at Paolo Ballesteros. Ang juan for All – All for Juan: Bayanihan ay parte ng Eat Bulaga na nagbibigay ng papremyo sa mga Barangay sa Pilipinas sa pamamagitan ng pag-bisita mismo sa kanilang lugar. Ang Juan for All – All for Juan: Bayanihan ay nagkaroon ng sarili nitong sub-segment na pinamagatang ‘Problem Solving’ na kung saan, binibigyang sulusyon ang mga problema ng mga residente ng Barangay sa pamamagitan ng kwelang mga kasagutan. Isa ri’ng paraan upang mapanatili ng programa ang interaksyon ng mga manunuod gamit ang Twitter at Facebook. Sa ganitong paraan, makakasagot ang mga manunuod upang masulusyunan ang problema.

052815-jose-wally-paolo-

Sa unang pagkakataon, lumabas si Wally Bayola, isa sa mga pan gunahing host ng segment na nakasuot ng damit at make-up pang matanda na may kasamang yaya. Ang yayang ito ay si Maine Mendoza, isang Youtube sensation na sumikat dahil sa kanyang nakakatuwang mga dubsmash. And dubsmash ay isang application sa Smartphones kung saan, maaari ka’ng mag impersonate ng isang tao o kanta at maa-upload ito bilang isang video. Marami ngang nagsasabing wala pang nakakarinig ng tunay na boses ni Maine, puro dubsmash lang.

hqdefault

Si Alden Richards naman ay isa ring host ng Eat Bulaga at naturing na “Pambansang Bae” alinsunod sa kanyang segment na “Who’s that Bae” kasama ang DJ and Model na si Sam YG. Sa unang pagkakataon, nagpalitan ng dubsmash si Alden at Yaya (Maine) na nagpakilig sa mga viewers ng Juan for All – All for Juan na nasundan pa ng mas maraming love story scenes. At diyan na sumikat ang tambalang Al-Dub.

Mayroong apat na haligi ang isang komiedyang palabas:

  • Humor

Sa tulong ng tatlong hosts na sina Jose, Wally, at Paolo, pumasa ang komedya ng palabas na ito sa mga manunuod. Wala silang inaasar na ibang tao kundi ang mga sarili nila. Isang tunay na basehan ng pagpapatawa. Bihira na ang ganito sa panahon ngayon dahil karamihan sa mga komedyante ay pumipili ng kanilang Audience upang laitin at matawa ang iba. Masakit para sa isa, ngunit nakakatawa para sa mga nakararami.

  • Timing

Timing ang isa sa mga paraan ng mga komidyante upang makapag patawa. Ito ang oras kung saan biglaang isisingit ng isang komedyante ang kanyang punch-line. Mas biglaan ang joke, mas nakakatawa. Maraming ganitong naiisingit habang nagda-dramahan ang magka-tambal na Alden at Yaya Dub kaya’t hindi nauuwi sa mapait ang eksena. Nagkaka-iyakan na, nakakatawa parin.

  • Plot

Ito yung mga rebelasyong nilalabas ni Lola Nidora (Wally) na kung saan matitigilan ang lahat. Kadalasang sinasabayan ito ng sound effects sa likod na nagbibigay ng suspense ngunit biglang ta-timing­-an nila Jose at Paolo sa likod upang maging nakakatawa.

  • Happy Ending

Sino ba naman ang matutuwa sa komedyang walang happy ending. Sa huli, gaano man karami ang humahadlang sa pagtitinginang Al-Dub, nauuwi parin ito sa maganda.

Sana lahat ng komedyang ipinapalabas sa Telebisyon ay kagaya nito. Isang mabuting example ng totoo at klasikong komedya ang Al-Dub: Kalye Serye. Mapapanuod ang Al-Dub: Kalye Serye sa Eat Bulaga tuwing tanghali, Lunes hanggang Sabado sa channel 7. Gaya ko at ng marami pang sumusubaybay sa seryeng ito, sana ikaw din mapatawa ng munting palabas na ito.

Advertisements