Usong-uso ngayon sa internet ang #WalangForever o no forever. Madalas itong gamitin ng mga Pilipino lalo na ng mga kabataan. Isa itong hashtag, malimit na kalakip ng anu mang uri ng status na sa mga social networking sites na tumutukoy o may koneksyon sa usaping pag-ibig. Apparently, dito mo mahuhusgahan ang isang particular na Pilipino kung maayos ang kanyang buhay-pagibig. Ang mga taong gumagamit ng #WalangForever ay siyamnapu’t-walong porsyentong single o walang karelasyon at ang natitirang dalawang porsyento naman ay naglalaro sa mga status na in-relationship o prepared to be left behind. 492x341xcupid-valentines-day1.jpg.pagespeed.ic.YwSq7uZFMg Isa-isahin muna natin ang pinanggalingan ng maalamat na #WalangForever status na ito. Kung ikaw ay masugid na taga-tangkilik ng ABS-CBN Network, paniguradong alam mo ang kanilang TV series na pinamagatang ‘Forevermore’ na pinagbibidahan nila Enrique Gil bilang Xander at Liza Soberano bilang Maria Agnes. Sinimulang ipalabas ang telenovelang ito noong Oktubre 27, 2014 matapos ang palabas na ‘Ikaw Lamang’. Marami ang nagsasabing ang #WalangForever ay nagmula dito matapos sundan ang matagumpay na palabas na ito ng isa pa’ng telenovelang may koneksyon naman sa pagtataksil. Isang netizen daw ang nag-comment ng kanyang reaksyon na sinundan ng mga katagang “wala talagang forever.” At diyan na nabuo ang #WalangForever. large Sabi naman ng iba, nabuo lang ang hashtag na ito dahil sa dami ng mga Pilipinong nauuwi sa pagiging single matapos iwan o pagtaksilan ng kanilang kasintahan. Ang mga taong ito ay ang mga taong pinangakuan ng pag-ibig na walang hanggan ngunit nabigo lamang sa huli. Sa totoo lang, marami din ang nakakapansin na dumadami ang mga nagiging heart-broken sa panahon ngayon kaya’t hindi na sila umaasa pa sa totoong pag-ibig. Sila na rin mismo ang maglalagay ng bakod sa paligid nila upang hindi na sila muli pa’ng masaktan. Hindi ko sila masisisi kung ganoon. Nagsiyasat ako at nagkaroon ng theory bakit nagiging hindi forever ang buhay pag-ibig mo:

  1. Nagpaligaw o nanligaw ng taong hindi mo lubos na kilala

Maraming tao ang nalilinlang ng panlabas na anyo at hindi totoong ugali. Kung ikaw ay isang lalaki, ang panliligaw o courtship ay isang paraan upang mapasayo ang puso ng taong mahal mo. At pag nanliligaw ka, gagawin mo lang ang mga bagay na alam mo’ng magugustuhan niya. Mahalagang sa panliligaw, ipakita mo ang totoong intension at pagkatao mo, maging masama man ito o mabuti at ang makakatanggap lang sayo ang taong para talaga sayo.

  1. Pagkadismaya sa nakatagong ugali ng kasintahan

qmeme_1438913309269_105 Gaya nga ng sinabi ko, ipinapakita lang ng mga lalaking nanliligaw yung mga bagay na alam niyang magugustuhan sa kanya ng kanyang nililigawan. Dahil dito, bulag ang isa o parehong bulag ang magkarelasyon sa katotohanang hindi parating sweet ang isang tao. Kung ikaw ay babae, wag mo nang hayaang hindi niya ilabas ang totoong pagkatao niya. Kung gusto mo ang isang lalaking nanliligaw sayo, mabuting magsiyasat ka rin tungkol sa pagkatao niya.

  1. Kasawaan

Ano ma’ng bagay na paulit-ulit ay nakakasawa. Iwasang gumawa ng mga bagay ng paulit-ulit, maganda man o pangit. Humanap ng bagong mapaglilibangan kesa ang iyong kasintahan. Effective yan, maniwala ka.

  1. Noong nagkakalabuan na, pareho kayong hindi gumawa ng paraan upang magka-ayos.

Hindi gumawa ng paraan upang magka-ayos kayo. Sa halip, naghanap na kaagad ng iba ang isa sa inyo. Mahalaga ang tulungan sa isang relasyon lalo na sa mga panahong sinusubok ang inyong katatagan. Mainam na maging maunawain at ibaba ang inyong mga pride upang hindi humantong sa hindi maganda ang inyong relasyon. Matutong mag-adjust ang bawat isa.

  1. Umulit ka pa (repeat steps 1,2,3)

komedi_1438815435618_289 Kasama sa buhay ang masaktan. Ngunit ang masaktan ng paulit-ulit sa iisang dahilan, sabi nga nila, ay isa nang kahibangan. Wag mo na’ng ulitin ang iyong kamalian upang hindi ka masaktan. Sa halip na maki-isa ka sa mga taong “bitter”, tumayo ka at matuto sa mga pagkakamaling nagawa nila. Hindi pagda-drama ang sulusyon kundi ang pag-gamit ng isip bago puso upang maiwasan ang kamalian. Magingg #WalangForever breaker at maging mabuting ihemplo kasama ang kasintahan mo.

Advertisements