Sa paanong pagkakataon nga ba natin masasabi na ikaw ay halos nakatira na sa mall? Base sa obserbasyon ng nakararami, 55 hanggang 57% ng mga Pilipinong pumupunta sa mall ay nagpapalipas lang ng oras. Nakikipag-kita sa mga kaibigan, namamasyal, o di kaya naman ay tumitingin lamang ng mga bibilhin sa susunod na araw. Ayon naman sa aking propesor noong nasa kolehiyo pa ako, ang ganitong estratihiya ng mga malalalking pamilihan na ito ay napaka-epektibo. Hindi man lahat ng pumapasok sa mga mall ay mamimili, alam ng mga business owners na malaki parin ang kikitain nila sa isang araw. Ang my pinakamalaking porsyento sa isang daang mamimili ng mga mall ay binubuo ng mga estudyante, pribadong manggagawa, pampublikong manggagawa, at mga kabataang nagpapalipas lamang ng oras. Maoobserbahan din na madalas ang pagpapalipas ng oras sa mga mall ng mga taong nakatira, nagtatrabaho, o nagaaral na malapit dito. Ilan sa kanila ay apat lima ahanggang pitong araw sa isang lingo nagagawi dito sa iba’t ibang dahilan. Paano mo mapapatunayan na ang kausap mo ay halos nakatira na sa mall?

120206_uqphlsm_interior-view

  • Kaalaman ng mga eksaktong posisyon at paninda ng mga tindahan

Nasubukan mo na ba maligaw sa loob ng mall at nagkataong walang security guard na nakapaligid sa iyo? O di kaya’y walang mapa o kahit anong bagay na makakapagturo sa iyo ng lokasyon ng isang partikular na tindahan o kainan? Subukan mo tanungin ang iyong kaibigan na halos nakatira na sa malalaking pamilihang ito at siguradong alam niya ultimo pwesto ng kanilang mga paninda sa loob ng tindahan. Alam din niya ang mga mesang malimit upuan sa loob ng mga sikat na kainan.

readImage

  • Alam ang kinaroroonan ng mga pampublikong palikuran

Minsan inaabutan tayo ng sama ng pakiramdam at kailangan na talaga natin ng pinaka malapit na palikuran. Yoong ibang mga mall, parang maze sa laki at dami ng pasikot-sikot na para ba’ng itinatago ng mga mall na ito ang kanilang pampublikong palikuran. At yoong iba, wala rin toilet signs o direksyon papuntang palikuran. Kung halos araw-araw ka bumubisita sa mall na ito, alam mo kung saan nakatago ang mga restrooms na ito.

Rest Room (1)

  • Alam kung alin sa mga palikurang ito ang malimit na puntahan ng mga mamimili

Kung ikaw naman ay isang babae, sigurado ako nasubukan mo na pumila sa napaka-habang linya ng mga babaeng gagamit ng palikuran. Mahirap mag-pigil at alam ng mga kalalakihan iyon kaya naman mayroong mga palikuran sa loob ng malls na sadyang mahirap o malimit puntahan. Posibleng dahil ito ay tago, o kaya’y nasa pinaka-mataas na floor, o kaya naman ay malapit sa mga pamilihang hindi masyadong napupuntahan. Alam ito ng mga taong halos nakatira sa mall lalo na ng mga kababaihan.

2013-03-02 13.41.31

  • Kaalaman kung kalian ang susunod na sale

Ang iba sa atin, kailangan pa’ng mag-internet upang malaman kung kalian ang susunod na sale, ngunit ang mga taong ito na araw-araw nasa mall, alam nila kung kalan ang 3-day sale, holiday sale, at clearance sale.

floor plan

  • Alam kung saan ang mga nakatagong tindahan

Ilan sa mga tindahan ng mga mall ay sadyang nakatago upang mapuntahan lamang ng mga taong nasa tamang edad. Kahit ang  mga security guard tatanungin muna ang iyong edad o kaya’y hindi nya ituturo sa iyo ang tindahan sa kahit ano’ng paraan. Paano kung ikaw ay menorde-edad ngunit nautusan ka lamang ng iyong magulang? Sa ganitong pagkakataon maaasahan ang iyong kaibigan na lagging nasa mall. Itanong mo sa kanya, at siguradong alam niya lahat ng daan patungo sa nakatagong tindahan.COURTYARD

Hindi sa lahat ng pagkakataon ay masama ang naidudulot ng “paglalakwatsa”. Maraming pagkakataon nakakatulong ito sa atin maging aware sa ating paligid. Susi ang pagiging mapag-masid at talas ng memorya dahil sa panahon ngayon, “iba na ang may alam”.

Advertisements